No Boundaries**Update

Teaser:

Magkakabata sina Janilla at Karl. Nagsumpaan na walang iwanan at mamahalin ang isa’t-isa. Nangako si Karl na magpapakasal sila pagkagaling niya sa Europe pero isang matinding trahedya ang nangyari. Janilla thought Karl was dead dahil nag-crashed ang eroplanong sinasakyan nito. She was ready to move on pero sadyang mapaglaro ang tadhana, things happened. They meet again but this time it is different. Karl lost his memory of his past, of their past. Maalala kaya ng puso ang nakalimutan ng isip o tuluyan ng mababali ang pangako nilang walang iwanan at mamahalin ang isa’t-isa?

Prologue:

“Ouch!”malakas na hiyaw ng dalagitang si Janilla. Papunta na sana siya sa silid aralan pagkatapos mag-recess ng bigla siyang itinulak ng kaklase niyang babae.

“Ayan ang nababagay sa iyo. Masyado ka kasing sipsip,”tugon ng babaeng tumulak sa kanya.

“Ano bang kasalanan ko sa iyo, Norraine? Hindi naman kita inaano ah,”umiiyak niyang sambit.

“Huwag ka ngang magpakainosente diyan. Pinahiya mo ako sa harap ng buong klase natin. Pinagmukha mo akong boba,”tugon ni Norraine. Hindi lingid sa kanya na insecure ito dahil kahit noong nasa elementarya palang sila ay siya na ang nangunguna sa klase. Pumapangatlo lang si Norraine sa kanya. Siya rin ang parating kinukuhang muse tuwing intramurals nila. Kabi-kabilaan ang nakukuha niyang papuri kaya mas lalong nadagdagan ang insecurity nito. Kanina nga ay nagkaroon kasi sila ng debate sa klase tungkol sa advantage at disadvantage ng makabagong teknolohiya sa mundo. Ang mananalong kupunan ay isasabak sa highschool district debate competition sa lugar nila. Kasalanan ba ni Janilla kung ang grupo niya ang napili para lumahok sa nasabing patimpalak. Mas maganda naman kasi ang mga reasons niya kumpara sa babae.

“Hindi ko naman sinasadya iyon. At saka kasalanan ko ba kung kami ang pinili ni Mr. Sanchez na sumali sa district competition,”sabat niya.

“Aba, sasabat ka pa! Malandi ka kasi! Nilandi mo lang si sir para kayo ang piliin niya!”asik nito.

“Hindi ako malandi! Alam mo punong-puno na rin ako sa iyo. Hindi ko kasalanan kong mas matalino ako kaysa sa iyo. Sadyang pinanganak ka lang sigurong boba,”galit na ring sambit niya.

“Bitch!”hinugot nito ang buhok niya. Naka ponutail pa man din siya kaya halos mabunot na ang lahat ng anit niya. Napahiyaw ulit siya sa sakit.

“Ouch! Let me go!”sigaw niya at pilit din inabot ang buhok nito. Napatakbo naman si Karl sa kinaruroonan nila.

“Stop it! Norraine let her go!”at pilit na inihiwalay ni Karl si Norraine sa kanya. Puwersahang itinulak ng lalaki si Norraine. Nanggagalaiti ang huli na tumayo mula sa pagkakasadsad sa lupa.

“Kuya kakampihan mo pa ang babaeng iyan kaysa sa sarili mong pinsan?!”hindi makapaniwalang sambit ni Norraine.

“Knock it off!”sambit ni Karl sa pinsan.

“Magsama kayo sa impeyerno!”habol pa ni Norraine bago tuluyang nagtatakbong umalis.

“Are you ok?”nag-aalalang tanong ni Karl sa kanya. Kaklase at matalik na kaibigan ito ng kuya Jaiden niya. Tumango na lang siya.

“Salamat ha pero sana huwag mo na itong sabihin pa kay kuya baka lalong lang lumaki ang gulo,”pakiusap niya.

“Karapatan malaman ito ng kuya mo dahil nakakatandang kapatid mo si Jaiden,”turan nito.

“Basta ipangako mo sa akin na hindi mo na sasabihin kay kuya. Ayaw ko ng abalahin pa siya,”wika niya. Napabuntong hininga na lang ang binata.

“Ok hindi ko sasabihin sa kanya kung sasabihin mo sa akin anong talaga ang dahilan kung bakit ka inaway ni Norraine,”tugon nito.

“Nai-insecure siya kasi ang team ko ang napiling sumali sa debate district competition next week,”sagot niya. Umiling-iling na lang ang lalaki.

“Next time na awayin ka pa ni Norraine or ng kahit sino sabihin mo lang sa akin,”masuyong turan nito. Napatingin naman siya dito. May nababasa siyang kung ano sa mga mata nito ngunit hindi niya iyon mawari.

“Why?”tanging nasambit niya.

“Because I care for you and I don’t want you to get hurt,”hinagod pa nito ang ilang buhok na nagulo dahil sa pagkakasabunot ng pinsan nito. Parang may namang hinaplos ang puso niya sa sinabi ng lalaki.

Chapter 1:

MARAMING kailangang dokumentong pinag-aaralan si Janilla nang biglang tumunog ang extension phone niya sa opisina.

“Hello?”bungad niya.

“Hi, sweetheart. Nag-lunch ka na ba?”tanong sa kanya ni Karl. Nagulat pa siya ng makitang pasado ala una na pala at hindi pa siya nakakain ng pananghalian.

“Hindi pa. Marami kasi akong inaasikasong papeles dito sa opisina,”sagot niya.

“Sweetheart, bakit ka naman nagpapagutom? Hayaan mo muna iyang ginagawa mo at susunduin kita. Sabay na tayong mag-lunch,”wika ni Karl. Mahigit anim na taon na rin silang magkasintahan ng nobyo. Simula noong ipagtanggol siya nito sa pinsan ng binata ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Ito ang nagsilbing knight and shinning armor niya tuwing may ng aaway sa kanya. Hanggang ngayon nga ata ay sobra-sobra pa rin kung mag-alala ito para sa kanya.

“Ok, hihintayin na lang kita dito,”tugon niya.

“I’ll be there shortly. Love you,”sambit nito.

“Love you, too. Take care,”paalam niya. Pagkatapos makipag-usap sa kasintahan ay saka niya pinatawag ang kanyang sekretarya.

“Bakit po ma’am?”tanong nito.

“Meron ba akong naka-schedule na appointment ngayon?”balik na tanong niya. Tinignan nito ang dalang organizer.

“Meron po mamayang alas tres hanggang four thirty. Tapos darating din ang lolo Jaime niyo ngayon. Yayayain ata ho kayong mag-family dinner,”tugon ng sekretarya.

“Ano ba ang naka-schedule mamayang alas tres ng hapon?”tanong ulit niya.

“Nagpa-schedule po kayo ng board meeting kahapon para i-discuss ang next project niyo,”sagot nito. Napa-iling na lang siya. Dahil sa sobrang rami ng ginagawa niya ay nakakalimutan na niya ang iba pang gagawin.

“Sige. Cancel my three o’clock appointment. Schedule mo na lang iyon bukas. Kapag wala pa ako dito pagdating ni lolo, pakisabi na lang na pupuntahan ko na lang siya sa bahay,”bilin niya. Hindi rin naman nagtagal at dumating na si Karl sa opisina niya.

“Let’s go,”yakag agad nito. Ikinawit niya ang kamay sa mga braso nito.

“Pasensiya ka na ha kung pati ikaw pinag-alala ko,”wika niya habang nasa elevator sila.

“Basta huwag mo ng gugutumin ulit ang sarili mo baka magkasakit ka niyan,”tugon nito at dinampian nito ng halik ang kanyang ulo. Tumango na lang siya.

Sa isang sikat na Japanese restuarant siya nito dinala. Marami na rin ang tao doon kahit pa lampas na ang lunch time.

“What do you want to order ma’am, sir?”magalang na tanong ng waiter doon.

“Chicken Tereyaki with sesame seed, please,”sagot niya.

“Sa akin combo meal. Iyong Beef and Chicken Tereyaki,”nakangiting tugon naman ni Karl.

“Wow, mukhang gutom na gutom ka nga,”sambit niya.

“Ginutom ako ng trabaho ko eh,”tugon naman ng nobyo. “Ay siya nga pala, maaga kitang susunduin bukas ng hapon,”wika ni Karl. Nagtatakang napatingin siya dito.

“Bakit? Anong meron bukas?”tanon niya. Para atang wala siyang maalala na usapan nila bukas.

“Don’t tell me na nakalimutan mo na rin?”nagtatampong sambit nito. Napangiwi siya at saka umiling.

“Sorry ha. Kasi naman sa dami ba naman ng ginagawa kong trabaho sa opisina nakakalimuta ko na tuloy ang ibang bagay,”hingi niya ng paumanhin. Napabuntong hininga ito ng malalim.

“Baka naman sa susunod ako na ang makalimutan mo,”may himig na pagtatampo nito. Kinuha niya ang kamay nito na nakapatong sa lamesa at ginanap iyon.

“Hinding-hindi mangyayari iyon dahil kahit anong mangyari my heart is only yours,”sambit niya.

“Alright, nadaan mo na naman ako sa sweet talk mo. Apology is accepted,”wika nito.

“So, anyway, ano pala iyong sasabihin mo?”pagbabalik niya sa usapan.

“It’s our engagement party tomorrow bago ako umalis papuntang Europe,”tugon nito.

“October three na ba bukas? Parang ang bilis ng araw ah,”turan niya.

“Yes at hindi mo puwedeng makalimutan iyon. Ayos lang na ilugmok mo ang sarili mo sa trabaho ngayon but once we are married hindi na puwedeng sa trabaho na lang ang boung atensiyon mo. Kung puwede nga lang eh sa bahay ka na lang tutal hindi na tayo mamomoblem sa pera,”wika nito.

“Gusto ko ng may ginagawa. Ayokong magkulong lang sa bahay buong araw noh. Please, hayaan mo na akong magtrabaho kahit mag-asawa na tayo. Promise hinding-hindi mauubos ulit ang oras ko sa trabaho,”pakiusap niya.

“Don’t worry dahil sisiguraduhin kong hindi ka mabo-bored sa bahay. Magkakaroon tayo ng maraming baby para alagaan mo,”nakangising biro nito.

“Sira ka talaga,”sabay kurot sa ilong nito. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid ulit siya nito sa opisina niya.

“Ay ma’am naghihintay na po sa loob ang lolo niyo,”bungad ng sekretarya niya ng mapadaan siya sa desk nito.

“Ok, salamat. Pakidalhan na lang kami ng coffee,”utos niya dito. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niyang prenteng nakaupo ang lolo niya sa vistor’s lounge.

“Hi lolo,”masiglang bati niya sa kanyang lolo.

“Huhulaan ko, nag-date na naman kayo ni Karl noh?”turan nito.

“Huwag niyong sabihin ‘lo na hindi lang kayo magaling na businessman na ngayon kundi psychic na rin,”ganting biro niya.

“Hindi naman. Kakaiba lang ang aura mo ngayon eh. You really love him, don’t you?”wika ng lolo niya.

“Siyempre naman ‘lo. Masaya lang ako dahil magiging soon-to-be Mrs. Aquino na ako,”pahayag niya.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka na. Parang kailan lang noong karga pa kita,”wika nito.

“Ang lolo nagdrama na naman,”biro niya.

“Mabuti pa tapusin mo na ang mga ginagawa mo nang makaalis na tayo. Naghihintay na sa bahay ang mommy at daddy mo,”wika nito.

“Eh si kuya Jaiden hindi ba pupunta?”tanong niya.

“Ewan ko ba sa inyong magkapatid kung bakit binababad niyo ang sarili niyo sa trabaho,”tugon nito.

“Nagmana lang naman kami sa inyo lolo,”tudyo niya.

“Oh siya-siya, tapusin mo na ang dapat mong tapusin,”pagtataboy nito.

“Sigurado ba kayong hindi kayo mabo-bored dito? Puwede namang mauna na kayo sa bahay at hintayin niyo na lang kami ni Karl doon,”wika niya.

“Huwag mo akong alahanin dahil sanay na ako dito sa opisina. Si Karl na lang ang paunahin mo sa bahay. Gusto ko makasabay ang pinakamaganda kong apo eh,”paglalambing nito.

“Ang lolo talaga. Oh sige sandali na lang naman ito eh,”tugon niya.

Nanood na lang ang lolo niya ng telebisyon at siya naman ay hinarap na niya ang mga trabahong nakabinbin. Kailangan kasi ng masinsinang pagre-review sa mga dokumentong hawak niya para sa upcoming projects nila. Hindi puwedeng pumalya ang proyekto niyang iyon kundi masisira ang imahe ng kompanyang pinaghirapan ng lolo niya kaya ganoon na lang ang pagtutok niya sa trabaho. She can’t bear to disappoint her family and she knew that her brother is doing the same thing, too. Pareho nilang pinangangalagaan ang reputasyon ng pamilya nila.

Mahigit isang oras din niyang tinapos iyon at saka sila umalis ng kanyang lolo. Tinawagan na lang niya si Karl na sa bahay ng lolo na lang sila magkita. Nadatnan nila din sa bahay ang lolo Armando niya kasama ang magulang at nobyo niya.

“What took you so long?”masayang bungad ng lolo Armando niya.

“Hi lolo. Pasensiya na may kinailangan pa kasi akong dapat tapusin sa opisina kaya medyo natagalan kami ni lolo Jaime,”sagot niya at humalik siya sa pisngi ng lolo Armando niya.

“Pagsabihan mo nga itong mga apo natin, Armando. Pinapagod ang sarili nila sa trabaho baka pati pamilya nila makalimutan na,”sabat ng lolo Jaime niya.

“Mabuti nga itong si Janilla at ikakasal na. Ang pinangangambahan ko lang ay si Jaiden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ata nakaka-recover sa past relationship niya,”tugon naman ng lolo Armando niya sabay tapik kay Karl na katabi ng huli. Ngumiti lang ang nobyo niya.

“Hayaan niyo ‘lo at makakahanap din si kuya ng mas deserving kaysa doon sa malanding girlfriend niya,”pagtatanggol ni Janilla sa kapatid niya.

“Ang mabuti pa sa harap ng pagkain na lang natin ituloy ang usapan na ito, daddy,”sabat naman ng ina niya kay lolo Armando. Inakbayan siya ni Karl at sabay na silang tumungo sa kainan. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga nakahandang pagkain.

“Ay siya nga pala, naihanda niyo na ba ang catering for tomorrow?”mayamaya ay tanong ng ama ni Janilla sa kanila ng nobyo niya.

“Last month pa po namin napa-reserve iyong catering,”tugon niya.

“Mukhang excited na excited kayo ha,”tudyo ng ama niya.

“Ako lang ata ang excited eh kasi nakalimutan nga nitong sweetheart ko na bukas na pala ang engagement party namin,”sagot naman ni Karl.

“Hindi naman sa ganoon. Siyempre mas excited pa ako kaysa sa iyo kaya nga lang nalimutan ko na dala ng mga trabaho ko,”paliwanag naman niya sa nobyo.

“Kung hindi nga lang kita sobrang mahal eh,”malambing na wika ng nobyo niya.

“Asus nambola pa,”wika naman niya.

“Ibang-iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Eh iyong mga invitation napadala ninyo na ba?”tanong ng lolo Jaime niya.

“Iyong kinuha naming event organizer na po ang bahalang nagpadala ng mga invitation sa mga kakilala natin,”tugon niya.

“Mukhang handa na pala ang lahat. Wala na tayong magiging problema bukas kung ganoon,”wika ng lolo Jaime niya.

“Goodevening po,”masayang bungad ng kuya Jaiden niya.

“Oh Jaiden, kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka ba nanggaling?”tanong ng daddy nila matapos humalik sa pisngi ng mga lolo at magulang nila ang kuya niya.

“Biglaan po kasi dumating iyong kliyente kanina. Hindi ko naman puwedeng pabalikin bukas dahil baka magback-out iyon. Twenty million pesos din ang mawawala sa kompanya kung nagkataon,”tugon ng kuya niya. Ang kuya niya ang namamahala sa ipinamang telephone company ng lolo Armando niya at siya naman ang namamahala sa architecture firm na pinamana naman sa kanya ng lolo Jaime niya.

Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo ang mga ito sa living room para magkuwentuhan. Hinila naman siya ni Karl patungo sa swing na tabi ng poolside. Inalalayan siya nito na sumakay at saka ito umupo sa tabi niya.

“Bakit mo ba ako dinala dito?”tanong niya sa nobyo.

“Gusto kitang masolo eh,”tugon nito habang hawak ang kamay niya.

“Hindi kaya hanapin nila tayo?”tanong niya.

“Alam naman na siguro nila na gusto kitang makasama,”wika nito.

“Don’t worry dahil araw-araw mo na akong makakasama oras na maikasal tayo,”tugon niya.

“I can’t wait for that day to come,”at dahan-dahan bumaba ang mukha nito. Sinalubong niya ang mainit nitong halik. Tanging ang liwanag ng buwan ang ilaw nila sa madilim na bahaging iyon. Ilang minuto din tumagal ang halikan nila. Ito ang unang kumalas sa kanya.

“I love you and always remember that,”pagkuwa’y wika ng nito.

“I love you, too,”tugon niya.

“Bago ko makalimutan, this is for you,”saka nito binigay ang pulang kahon sa kanya. Kumislap ang isang bagay doon pagkabukas niya. Isang kuwintas na may pendat na kalahating puso ang laman noon. Namangha siya sa ganda noon. May mga maliliit na diyamante ang pendat nito. Nakaukit din sa likod noon ang pangalan ng nobyo niya.

“Para kahit saan ako magpunta dala-dala mo ang kalahati ng puso ko,”wika nito habang tinutulungan siyang isusuot iyon sa leeg niya.

“Eh nasaan ang kalahati nito?”nagtatakang tanong niya.

“Siyempre nasa akin ang kalahati niyan. Para kahit saan ka magpunta alam kong sa akin lang ang puso mo. Kahit mawala ka pa, this will guide me back to you,”madamdaming turan nito.

“Thanks. This is really beautiful,”pasalamat niya.

“No, you are more beautiful than any precious gem,”tugon nito saka niya kinantalan ito ng halik.

“Bagay na bagay sa iyo,”dagdag pa nito. Sabay pa silang napalingon ng may biglang tumikhim sa likuran nila.

“Sorry kung nakaistorbo ako pero pinapatawag na kayo nila lolo,”wika ng kuya Jaiden niya.

“Ngayon ko na nga lang ulit masosolo ang sweetheart ko maiistorbo pa,”reklamo ni Karl. Sabay pa silang tatlo natawa.

Leave a comment